Tuesday, April 24, 2007

My Untold Story Part 2....

After na nga naming lumabas sa adoration chapel, pumunta kami sa isang di pangkaraniwang lugar. malapit lang iyon sa church (i bet, maganda yung lugar na iyon. ) after nun, ....

Dito na nga kami nagpunta sa isang malawak na bukirin at sa totoo lang, sa likod ito ng simbahan. Napakasaya at maganda ang paligid. Presko ang tanawin, maririnig mo ang huni ng mga ibon at lagaslas ng patubig. Ngunit ang pinakamahalagang bahagi ng lugar na iyon ay ang isang puno ng mangga na malapit doon. Iyon lamang ang tanging naging saksi sa aming dalawa. Sa tuwing susunduin niya ako mula sa school, doon na ang punta namin.
Doon ako nagtatanong na lahat ng mga assignments ko sa kanya. Kahit saglit ay nalimutan ko na ang sarili ko sa kaunting kaligayahang dumampi sa puso ko. Kahit papaano naibsan ang lahat ng mga suliraning nakapasan sa likod ko. Ang ganda talaga ng view eh.

MR J
Dito na tayo
ARNEL
Ang ganda naman ng view dito.
MR J

sabi ko na sayo magugustuhan mo dito.

Isang araw, mayroon akong naramdaman talaga deep within inside of me na hindi ko mawari. Masaya at makulay ang paligid ko sa tuwing kasama ko siya. Lahat ng pagod ko pawi lahat. Hanggang sa...

ARNEL

Mr. J, may sasabihin sana ako sa'yo.

MR J

Ano iyon?

ARNEL

Sa simula pa lang na nakilala kita, tuluyan ng nahulog ang damdamin ko sa'yo. Hindi ko maintindihan eh. Sa tuwing magkasama tayo, palagi akong masaya. (Iiyak) Sorry, but I need to tell the truth. Ayoko lang na may itinatago ako sa'yo dahil magkaibigan tayo. But if your decision is to leave me at wag na akong makita, igagalang ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at saglit ay nakabibinging katahimikan ang bumalot. Pumagaspas ang malamig na hangin na parang nakikisama sa dalamhating nararamdaman ko. After that...

MR J

Sorry to tell pero..... kaibigan lang ang turing ko sa'yo.

ARNEL

Alam ko naman iyon. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko.

MR J

Sorry pero.... (bibitiwan ang pagkakahawak ko sa kamay niya) (aalis)

ARNEL

Mr j, bumalik ka! Sorry na! (pasigaw) Mr j!!!

Pero hindi na siya lumingon. Para akong pinunit nung araw na iyon. Pero anong magagawa ko? ayokong nanloloko ng tao, lalo na kung mahal ko.

Lumayo nga siya. medyo matagal din siyang di nagparamdam.(di ko na matantsa eh kung gaano) Madalas, pagkalabas ko ng adoration chapel, dun ako pumupunta sa puno. Nagbabakasakaling baka naroon siya, hinihintay ako. Pero bigo ako. Pero one day, nagulat ako nang..

nakita ko siya sa loob ng chapel na pinupuntahan ko.

MR J

Alam kong dito ka nagpupunta kaya nagpunta ako. (sabay hawak sa kamay ko)

ARNEL

hindi mo naman kailangang magexplain eh.

MR J (Pabiro)

Nasa loob tayo ng chapel, keep quiet.

ARNEL

hehehe!

Pagkalabas namin ng chapel, pumunta kami straight doon sa puno. Nagusap kaming dalawa. Hanggang sa...

MR J

Arnel.

ARNEL

Yep?

MR J (Hahawakan ang kamay ko)

Sorry.

ARNEL

Tungkol saan? (Hay naku, bilis makakalimot)

MR J

Sa nangyari. Naging padalus-dalos ako. Hindi ko man lang nakita yung kagandahan ng ugali mo.

ARNEL

Ako naman ang nagkamali eh. Sinira ko pagkakaibigan natin.

MR J

Wala kang sinisira. Lumayo ako dahil nabigla din ako.

ARNEL

Hindi ko alam pero....

MR J

Arnel, mahal na rin kita!! (Yayakapin niya ako)

Wow ang sarap naman ng narinig ko. Parang lumulutang ako sa hangin sa narinig ko. Lalo na ng niyakap niya ko. Doon siya sumumpa sa harap ko na hindi rin siya magtatago sa akin.

Nang pangalawang punta namin…

MR J
Puwedeng humiga sa kandungan mo?
ARNEL
Bakit hindi?

At humiga nga siya sa kandungan ko. Biglang anu-ano’y tumayo siya at…

MR J
May dedicate akong song sayo. Tugtugin ko lang ha?
ARNEL
Ano ba iyon?
MR J
Basta!

At doon ko unang narinig ang unang kanta niya. It was entitled LOVERSMOON. How I really love that song. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kasi talagang nagustuhan ko. Then…

MR J
Kung ano ang gusto sabihin nung song, para sayo yun.
ARNEL
Talaga?


Doonko na siya tuluyang nakilala at lahat ng gusto niya. Pati na ang buong pamilya niya ay nakilala ko na rin ng lubusan. Minsan nga iniisip ko parang nanalo ng tatlong beses sa lotto dahil sa mga nangyayari. How great God is for giving me a person like him.

MR J

Arnel, sa friday nga pala, birthday ni lola. nasabi ko kasi na may kaibigan ako at sure akong magugustuhan nila pag nakilala nila.

ARNEL

Naku, kailangan pala magprepare ako.

MR J

Hindi naman. Basta attendance mo lang ang kailangan dun.

ARNEL

Sure, I will go.

Friday came at birthday ng lola niya. Wow ang laki pala ng family nila. Pero dalawa silang magkapatid, Sis niya iyon, si Jane. Pati mommy niya, nakilala ko na rin, si Tita Liza. Nakakaaliw pamilya nila. Doon na niya ako ipinakilala.

JANE

hi po kuya, ako po si Jane. kaw ano name mo?

ARNEL

Arnel.

MR J

Lagi ka kinukuwento ni kuya sakin, lam mo ba? pati daw yung tawa mo maganda. Para daw sumisinok. Parinig nga ng sample?

ARNEL

tanong mo na lang sa kuya mo kung gaano ka matatawa.

JANE

Lam mo, sa lahat naging kaibigan ni kuya, ngayon lang siya naging masaya ng ganyan, sana nga habambuhay na siya ganyan. laging nakatawa.

ARNEL

Eh di pupunta ko dito minsan para lagi kayong masaya tapos lalaro tayo ng jackstone.

Maya maya ay...

MR J
Gusto mo na bang umuwi?

ARNEL
Hindi pa. mamaya na lang. bakit, may problema ba?

MR J
Hindi wala.

Alam kong may problema siya. At iyon ang kailangan kong alamin. Hindi kaya malamig na siya sa akin??

Nang mga 8pm, I decided to go home na. (kasi nga SANA AY IKAW NA NGA na). nagpaalam ako sa buong family niya at sinabi na sa Christmas daw sana ay wag ako mawawala. Natawa pa ako, sabi ko sa lola niya, sige po. Paguwi namin sa bahay namin...

MR J
Salamat for spending this day with my family.


ARNEL
Wala yun. Parang pamilya ko na rin sila eh. Dahil kasi sayo.

MR J
yun nga eh. Kaw lang yung pinakitaan nila ng ganun.

ARNEL
talaga? Oh pasok ka muna sa loob. Wala pa naman nanay ko. Di pa umuuwi.

MR J
Ok.

Pagkapasok sa loob…

ARNEL
Wait lang ha? Magbibihis lang ako. Nood ka muna TV kung gusto mo.

Nagbihis ako noon. Pero ang bilis ng nang yari ng…

ARNEL
Oh nasaan kaya iyon? Bakit biglang nawala?

At may napansin ako sa tsinelas ko. Isang sulat. Pero kanino galing?

ARNEL
ano toh? (babasahin) arnel, I have to go.baka hinahanap nako ni mommy.

Pnilit ko na lang intindihin siya. Siguro nga kailangan ng umuwi. Pero nagtampo ako kasi ni hindi man lang siya nagsabi ng maayos. Kinabukasan…

ARNEL
Oh bakit bigla kang nawala?
MR J
Sensya na sa kabastusan ko ha? Hindi nako nagpaalam sayo.
ARNEL
Ok lang. sa susunod magsabi ka ng maayos.
MR J
Sige. Pero para makabawi ako, treat kita gusto mo?
ARNEL
Saan? Duon sa puno?
MR J
Hindi. Dun sa elvie’s.
ARNEL
Ok.

Nagpunta nga kami doon. Kumain at kuwentuhan. Umuwi na rin kami nun pagkatapos kasi sabi ko marami ako gagawin. Hindi na rin ako pumayag pahatid kasi nga puwede ko na lakarin.

November came at biglang nagiba ang takbo ng ihip ng hangin. Napansin kong madalang na kami magkita. Minsan hinihintay ko siya sa labas ng school at pati sa tagpuan namin. Pero walang MR J na dumating. Hanggang sa umabot ng December at matuklasan ko ang isang bagay na gigimbal at guguho sa buong pagkatao ko. Pumunta ako sa bahay nila at

ARNEL
Tao po. Tao po!!

Ngunit walang sumagot. Tumawag pa rin ako nuon hanggang…

KAPITBAHAY
Sino ba hinahanap mo diyan ha iho?

ARNEL
Si MR J po.

KAPITBAHAY
Hindi mo ba alam nangyari sa kanya?

ARNEL (kaba)
Ano po?

KAPITBAHAY
Isinugod siya sa ospital nung isang araw.


Namumutla kasi at hindi makagalaw. Gulat talaga ako nang malaman ko ito. Nadikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at hindi malaman ang gagawin. Umuwi ako ng bahay at nagpaalam sa nanay ko na may pupuntahan lang ako. Mga 9pm na yata ako napunta dun sa ospital. Pagpasok ko…

ARNEL
Nurse, saan po yung room ni MR J?

NURSE
Sa room GARNET po sir.

ARNEL
Thank you.

Punta agad ako doon. Pagpunta ko dun…

ARNEL
Jane. Pssst!
JANE (iiyak)
Kuya arnel!! Buti dumating ka na. kanina kapa hinihintay ni kuya duon sa loob. Andun din si mommy.

Pumasok ako sa loob ng room. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumuha pagkakita ko sa kanya na maraming nakakonektang tubo sa katawan. Meron para sa oxygen, sa dextrose, sa dugo, at kung anu-ano pa. nakita rin ako ni tita Liza (mommy niya ito). Then…

LIZA
(maiiyak at yayakap kay arnel)kanina ka pa niya hinihintay. Sige iwan ko muna kayo.
ARNEL
Sige po.

Nang makaalis si tita liza…

ARNEL
MR J, naririnig mo ba ako? Kung naririnig moko, pisilin mo kamay ko.

Nagulat ako kasi PINISIL nga niya ang kamay ko. Bumaling ang ulo niya sa akin. Nagsalita pa siya.

MR J
Uuuuhhhhnnnnnggggggg………

ARNEL (umiiyak)
Wag mong piliting magsalita kung hindi mo kaya. Ikaw naman, ang daya daya mo. Sabi mo walang sikreto bakit sinikreto mo na may cancer ka pala?

MR J
Ayoko nang magalala ka pa sakin. magiisip ka pa. Puwede mo ba akong itayo?

Itinayo ko siya at isinandal ang unan para may masandalan siya.

ARNEL
Nagugutom ka ba? May dala akong biscuit. kain ka muna.

MR J
Wag na. masaya na ako dumating ka.

ARNEL
sige na. pahinga ka na.

MR J
Puwedeng humiga na lang sayo?

At pumayag ako para lang wag siyang mabigyan ng sama ng loob. Mga 11pm nuon ng gabi ng…

Napatingin ako sa heart beat rate niya. Ito ay biglang dumiretso kaya nabigla ako kasi ako ang nasa loob ng room niya nuon. Nanlaki ang mata ko nuon.

ARNEL (hagulgol)
MR J wag mo naman akong iwan! Hindi ko kayang mawala ka!!

Napatingin ako sa krus na nasa taas ng bed niya.

ARNEL
Alam ko na nagging masama akong anak sa Inyo. Pero hinihiling ko lang po sandali lang pahiram muna niya. Walang anuano ay biglang itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang kamay ko. Napangiti ako at…

ARNEL
Diyos ko. Salamat po!

Ilang sandali pa…

MR J
Pagod na ako… gusto ko na magpahinga…….

ARNEL
Sige na tulog ka na. di na kita pipigilan.

11:58 pm. Tuluyan na siyang nagpaalam. Tuluyan na niya akong iniwan. Namatay siya sa mga kamay ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak pa nang biglang dumating ang nanay niya.

LIZA
arnel, baka gus….
ARNEL
Tita, iniwan na niya tayo.
LIZA

aaaaaaaannnaaaaaaaaakkkkkkkk kkkkkkoooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Masakit man sa akin ang iniwan niya, nagging masaya naman ako dahil nakilala ko siya. Habang ako’y nabubuhay, promise MR J, di ka makakalimutan. Wherever you are whatever you do, someone’s waiting for you. One day well meet again when the right time comes.
I just hope you have learned something from my story… bye. Till next posting.

My Untold Story Part 1

Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon, meron tayong makikilala sa ating buhay that we dont expect na makikita natin. pero unexpectedly naging masaya ako cause we have crossed our path and ill never forget that person.
pauwi ako na lumuluha ang mga mata ko noon dahil napagalitan ako ni mam enriquez. kasalanan ko rin naman kasi nga yung attendance kailangan na niya immediately. while im on my way home, there are group of naughty people who played a trick on me. hinatak nila ang bag ko then sumabog sa lupa ang gamit ko. kamuntik na nga nilang makuha ang wallet ko nang.... dumating ang masasabi kong superhero ko!! (naks!!) tinulungan niya ko nun. thanks God, hindi siya nasaktan. at heto na ang naging usapan namin..

MR J
heto na yung gamit mo. sa susunod, magiingat ka.
ARNEL
salamat ha!? pero wala naman akong pambayad sayo eh.
MR J(smiles)
sandali,,, humihingi bako ng kapalit?
ARNEL
hindi (sabay kuha ng gamit) sige na alis nako!! (tatakbo)
MR J
wait, di ko pa alam ang pangalan mo...

hindi ko na nagawang magpakilala sa kanya. kasi nga sa takot ko! pero hindi ko maintindihan may kung ano na lang akong nadama sa sarili ko nung sandaling iyon. hanggang sa makauwi ko at makatulog..

ARNEL
nakakahiya naman. hindi nako nagkapagthank you ng maayos. sana naman kung nasaan siya maging masaya siya.

KINABUKASAN....
Labasan na ng school. 5pm na kasi eh. Pumunta ako sa PAPERBOX nun kasi kailangan kong bumili ng para sa project namin. Accidentally, nakita ko siya. siyempre, masaya at gulat ako. pero isa lang ang ginawa ko. bumili ako ng banana cue at binigyan ko siya. heto naging dialogue namin...

ARNEL
banana cue oh?!
MR. J
Thanks. nga pala, di ko nakuha name mo kahapon. ano nga pala name mo?
ARNEL
ako nga pala si arnel! eh ikaw?
MR J
ako si mr j!
ARNEL
salamat nga pala sa pagtulong mo sakin ha?!
MR J
wala yun. nakita lang kita na pinagtutulungan ka nun, kaya ako tumulong.
ARNEL
nga pala, gusto mong sumama sakin ngayon?
MR J
saan?
ARNEL
basta!
MR J
ok!

nagpunta kami sa adoration chapel at nagdasal. at duon na rin nagsimula ang malalim naming friendship!! after naming magpunta sa adoration...

MR J
may gusto akong ipakita sayo. gusto mo puntahan natin?
ARNEL
saan naman?
MR J
di naman kalayuan dito. pero kung gusto mo, sasamahan kita!!

*******
dito ko na muna puputulin ang kuwento ko. kasi time nako! next posting na lang!! nahihiya na ko sa computer rental!!

Friday, April 20, 2007

My Own Art of Letting go...

Guess I made another wrong move. I should have never let myself be attached to someone I knew a relationship I wanted is not possible. Assuming nga siguro ako pasensiya naman. I was really right, thinking that it would still be very early to build a bridge towards you. Sabi nga nila, matagal mag-mature ang isang tao. But I think I should not wait, for it will be another wrong move. Nevertheless, I will still be your friend. Yun nga lang, baka may magbago na… but I will try my best to really bring back the past friendship that has gone way far now for me. I just wanted you to know that I am happy that I have known you and that you became part of my life. I really hope that the journey for both of us will not end here.

WHEN IT STARTS… LOVE CAN BE THE HAPPIEST EXPERIENCE A PERSON CAN HAVE.
BUT WHEN IT ENDS… LOVE CAN BE THE MOST PAINFUL EXPERIENCE A PERSON CAN HAVE.

WE DON'T LOOK FOR LOVE…
BECAUSE IT'S LONELY TO BE WATCHING MOVIES ALONE…
BECAUSE ITS SAD TO EAT MEALS ON OUR OWN…
BECAUSE ITS NICE TO CUDDLE UP WITH SOMEONE ON RAINY DAYS…

WE LOOK FOR LOVE BECAUSE WE WANTED TO BE ACCEPTED…
FOR THE SLOPPY WAY WE DRESS…
FOR THE CLUMSY WAY WE EAT OUR MEALS…
FOR BAD HAIR DAYS AND FOR THE SIMPLICITY IN US…

LOVE IS AN ACT OF ACCEPTANCE…
THAT WILL ALL OUR IMPERFECTIONS, WE ARE ACCEPTED AND LOVED.

MATHEMATICALLY, LOVING SOMEONE IS NOT EQASY AS SIMPLE ALGEBRA. YOU HAVE TO LOVE INFINITELY WITHOUT LIMITS. BUT LEARNING TO LET GO OF SOMEONE YOU LOVE IS MURDER… BECAUSE THE COPE CANNOT BE DERIVED AND SIMPLY DOES NOT EXIST…

TOO OFTEN, IT'S HARD TO SAY GOODBYE, ESPECIALLY WHEN THAT PERSON REALLY MEANS SO MUCH TO YOU. BUT SOMETIMES, WE HAVE TO SAY GOODBYE, NOT BECAUSE YOU DIDN'T CARE ANYMORE BUT BECAUSE YOU HAVE ALREADY LOVED TOO MUCH.

TO LET GO OF SOMEONE DOESN'T MEAN YOU HAVE TO STOP LOVING, IT ONLY MEANS THAT YOU ALLOW THAT PERSON TO FIND HIS OWN HAPPINESS WITHOUT EXPECTING HIM TO COME BACK. LETTING GO IS NOT JUST LETTING THE OTHER PERSON FREE, BUT IT IS ALSO SETTING YOURSELF FREE.

SOMETIMES I WONDER WHY I FEEL SO INLOVE WITH YOU. SOMETIMES I CAN'T HELP BUT CRY. KNOWING YOU DOESN'T FEEL THE WAY I DO.

I'M AFRAID I CAN'T BEAR THE PAIN, TO GRIEVE IS ALL I CAN DO
TOO BAD I CAN'T FEEL THE LOVE I WANT FROM YOU…

NOW I MUST SET OURSELVES FREE…
I WISH YOU HAPPINESS FOR YOU DESERVE TO BE HAPPY.
I LOVE YOU… GOODBYE!!!