Saturday, November 17, 2007

A message from somebody else...

Sorry for the late reply. In the last instance, marami na rin pala akong hindi naabot sa mga taong nakasama ko sa buhay. Arnel, we share the same sentiment. Maaaring magkaiba ang context ng sentiment natin pero yung matters of detachment and quite dark past pareho lang tayo. This is just like telling the world that, hey, I'm here not because someone will write a poem for you or complete your term paper or help you with your assignment.

Nung mamatay si Ivan, pakiramdam ko napakarami nang nagbago. Nung umalis si Genelle sa school, hindi ko alam na yung prestige pala na tatanggapin ko ay akin lang pala talaga. Buti ka nga at nawala bago pa man makarating tayong lahat sa high school.

Still, in the last instance, nasa itaas ako. Nag-iisa. Kung hindi ako naging valedictorian baka sakaling masaya ang buhay ko.

Anyway, kalabisan na rin siguro kung sa huli ay magbubuhos pa tayo ng sisi sa nakaraan. Tama naman si Friedrich Nietzsche. Ang nakaraan ay ginagamit upang itama ang kasalukuyan. May punto ka naman kung sabihin mong pakikipagplastikan ang nangyaring encounter with Regina. In the last instance, mahirap na rin namang sabihin ngayon kung sino ang nagsasabi ng totoo. Hindi ito pagsasabi na lahat ng tao ay plastik pero pagsasabi ito ng isang realidad na lahat tayo may ginagampanang karakter.

Mabuti nga at naabot pa kita sa pamamagitan ng friendster. Salamat na din sa Dios dahil nakausap kita.

Bakit ako kumuha ng Sociology kahit na ang lahat ay busy sa pagkuha ng Nursing? Nangahulugan ito ng panibagong gap ko sa mga natira nating mga kaklase. Kumuha ako ng Sociology para maintindihan ko ang iba't-ibang uri ng tao.

Ano ang gusto ko? Umalis dito sa Pulilan at pumunta sa isang malayong lugar. Bakit? Nung una at maging hanggang ngayon ay isinisisi ko pa rin sa high school ang maraming bagay na parang nawala sa buhay ko.

Gusto ko lang sabihin na kung gusto mong umusad ay nagawa mo na. Look at you now. May napatunayan ka na rin naman. Maaaring may mga remnants pa yung kahapon pero sila'y maaaring maging mga alaala na lamang kung gugustuhin mo.

Kailangan nang umusad sa mga pagkakataong ito. Bahala na sila kung ano pa yung gusto nilang mangyari pero yung buhay na nasa atin dapat maging pulido na.

Sa isang banda, hindi rin naman natin mababago ang mga gusto nating baguhin kung wala tayong lilingunin bilang reperensiya. Tama lang ang pag-iyak sa isang pagkakataon pero pagkatapos dapat ng pag-iyak ay pagbabago na.

BECAUSE THE ONLY THING MORE DIFFICULT THAN LIVING WITHOUT A FUTURE IS LIVING WITHOUT A PAST. -From A Father's Affair

One way, we have to internalize the difficult times in our lives. Pwedeng mawala na talaga tayo sa sirkulasyon. In the end, we still need to reach out to the people who are willing to accept us as we are. Ganyan lang naman talaga sa buhay. Kung sino yung tanggap ka, iyon ang taong nais kang makilala hindi dahil may homework siya o kaya may project kundi dahil gusto niyang matuto sa iyo.

KUDOS!

No comments: