Ikaw Ang Superhero Ng Buhay Ko (Reprise)
Matuyo man ang dagat at matunaw man ang buwan
Hindi ka ipagpapalit kanino man
Ang isip ko man ay naguguluhan
Ang damdamin ko’y aking pinagkakatiwalaan
Ikaw ang superhero ng buhay ko, ikaw…
Hindi ka man lumilipad, tinangay mo sa langit ang puso ko
Nais kong sumama saan ka man magpunta
Hawakan mo ako… maglalakbay tayo
Huwag mong babanggitin ang salitang pag-ibig
Ilang ulit nang nasunog aking puso
Ang pangakong iyong binibitawan
Masarap mang pakinggan... mahirap paniwalaan
Ikaw ang superhero ng buhay kong, ikaw…
Naliligaw ka man ngayon, ikaw naman ay aking natagpuan
Halika na sa piling ko, kita’y iuuwi
Dito sa bisig ko ika’y mahimbing
Ikaw ang ang superhero ng buhay ko, ikaw
Pag-ibig mo’t pagmamahal walang kinikilalang kulay o pangalan
Nais kong matutong magmahal ng tulad mo
Turuan mo ako, turuan mo ako...
Ikaw ang superhero ng buhay kong ito
Ikaw ang Krystala at Darna ko
Ang Sugo at Mulawin ko, Lastikman at Gagamboy
Si Volta at Kapten Barbel ko
Ang Super G ng buhay ko...
Ikaw ang superhero ng buhay ko!
Saturday, March 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Webcam, I hope you enjoy. The address is http://webcam-brasil.blogspot.com. A hug.
Post a Comment