Tuesday, October 23, 2007

An open letter to Alorica...

Alorica, tanda mo pa ba noon nung naghahanap ako ng trabaho sa paligid ng buong Emerald Ave? May nagturo sa akin noon na pumunta ako sa Wynsum Corporate Plaza. Akyat ng elevator baba ka sa 33rd Floor. Ginawa ko iyon, pagkatapos ay umupo ako sa isang sulok. Hiningi ng guwardiya at receptionist ang resume ko diba? Ipinasok nila doon sa loob ng opisina. Biglang tinawag yung pangalan ko at pinapasok ako sa isang room, nagpakilala sa akin yung empleyado mo, si Ms. Vanessa. Interview muna niya ako then exam. Pagkatapos, tinawag ulit ako sa loob, Si Ms. Ghay Panganiban na yata ang kumausap sa akin. Sinabi niya sa akin na kung gusto ko is Technical Support Representative ang position ko. Tinanggap ko na rin ang lahat ng consequences, magkaroon lang ng kabuluhan ang pagpunta ko sa iyo. Pumatak noon ang 5pm. Aba ako na lang ang natira sa reception area mo. Then afterwards, YES!!!! hired na po ako. Thank You Alorica. Inampon mo na ako.

Una mo akong pinasabak sa training ng Soft Skills under MS. Angela and Ms. Melody. Madali lang kaya pumasa ako. Alam mo ba Alorica na pinaiyak pa ko ni Ms. Melody sa Revalida namin? Siya naman kasi, inungkat pa buhay ko. Pagkatapos, ipinunta mo naman ako sa isang branch mo, sa Libis. Hinasa mo ako sa Product Training under Ms. Leah Tarroza (mommy Leigh, I love you!!) Nalaman mo ang katotohanan tungkol sa akin. Saksi palagi ang training room mo na malapit sa pantry sa mga pinagdaanan ko. Nariyan ang umiyak ako talaga dahil sa lagi kami napapagalitan ni mami leah kasi hindi kami makasagot sa tanong niya. Masyado kasi ako emotional. Sa dami ba naman ng pinagdaanan ko, talagang iiyak ako. First call ko pa diba, si Gerzon, IRATE pa ang loko. Panu ba naman, sa akin sinisi yung ginawa nung mga agents na sinira yung Internet connection niya. Buti dumating si Mam Leah, tanda ko pa linya ko nun "Hello Gerzon, I'll have you talk to my supervisor okay?", Oo naman si Gerzon. Doon ko lang narealize yung problema niya. Na-I love you pa si Mam Leah, hahalikan pa daw siya kung naroon siya sa tabi niya. Na-imagine ko tuloy kung ano yung saya ni Gerzon nung naayos ang computer at Internet niya. Second time ako na nag-call, fluent na yung kausap ko. Hindi ko alam na binabarge pala ako ni Mam Leah. My God, para akong natutunaw na ice cream sa hiya. Hindi ko masyado alam pa yung gagawin ko. After configuration page, ano na ang gagawin ko? PATAY KA NA NGAYON? Ilang beses ko nag-hold sa caller dahil ang katangahan ko umiral. Pagkatapos ng call, kinausap kami nun ni mam leah, sabi niya:

MAM LEAH
Aj, hindi ako galit ha. Please do not think of that. Ang gusto ko is matuto kayo para pagdating ninyo sa floor, alam ninyo na gagawin ninyo.

Nakuha ko gusto niya sabihin, para rin naman sa kapakanan namin iyon eh. Ayaw din niya magmukha kami tanga na trainees niya. Ang maganda lang , hindi niya sinasabihan na "Gusto mo ng TSINELAS?" Minsan kasi si mam leah, parang laging nagagalit. Iniisip ko na lang na baka may problema siya na nadadala lang sa opisina kaya iniintindi ko na lang siya, pero pagkalabas namin ng training room, BACK TO NORMAL na naman kami kung magbiruan. Parang walang nangyari.

One time, kinausap ako ni Ms. Leah. Team Endorsemtents na pala.On that day, makikilala na namin ang aming mga supervisor. Si Nel at Mike kay Mam Claire (hello mommy!!) Si Jayson at Mon, kay Ms. Maricar (twin sister ko! Ako kasi si MARIMAR eh!) Si Jami,kay Sir Riomar. Ako naman kay Sir Arvin. Dama ko yung warm ng welcome ng team niya sakin. Sabi pa nga ni mam leah: Arvin, gawin mong lalaki yan. (Kung kaya gawin ni Sir Arvin! Wahahahha!). Sa apat na sulok ng Call Center floor mo, tuluyan kong nadevelop ang sarili ko. Madami akong friends, si Ingrid, Flory Anne, Shobe, Matt, Mam Claire, Sir Chris, Ms. Feigh,Ms. Angie, si Jayson (friend siya ni May, nasa D-Link Canada) tsaka madami pang iba. Alam mo, Alorica, kung sakaling iwanan talaga kita,mamimiss kita ng sobra. Lam mo ba na umiiyak na ko habang ginagawa ko ito? Kasi ang sakit ng kalooban ko. Parang iiwanan na nga kita. Pero kailangan kong gawin, para rin naman sa ikabubuti ko ito. Pero hindi ko kayang iwanan ang kumpanyang umampon sa akin at halos ikaluha ko dahil hindi ako tinatanggap ng iba. Salamat inampon mo ako.


Now after almost a month without Alorica, adjustment is not that easy, but Im moving on, a little more push and I'll eventually get by. Mahirap lang coz you're losing not only mere friends, but a family. A family so dear, so close to my heart. I will always remember these people na sobrang naging importanteng part ng buhay ko. Goodbye is bitter, yet I guess, this is the ultimate test of everything we do. Coz if we see the bright side behind goodbye, then we can finally say that we won the game. It sure would throb, it would ache so bad, but as long as you know how to move on, how to step ahead, then you would be up to something better...at the moment. And who knows, time would come, we would all look back and find that the people you left behind would still be there to welcome you with arms wide open. Maybe not into corporate terms-but with the arms of deep friendship and love.

Alorica, kung sakaling iwanan na talaga kita, dadalawin pa naman kita eh. Sana huwag mong kalimutan na may isang AJ na naging ANAK mo na pasaway,nanghaharas ng ibang agents, at nanggugulo sa loob ng floor. Sana, welcome pa rin ako sa puso ng mga empleyado mo kung sakaling lisanin na kita ah.

Nagmamahal


AJ

No comments: